Pumunta sa nilalaman

HUNYO 3, 2019
BOLIVIA

Winasak ng Landslide sa Bolivia ang mga Bahay sa La Paz

Winasak ng Landslide sa Bolivia ang mga Bahay sa La Paz

Winasak ng landslide ang malaking bahagi ng San Jorge Kantutani sa La Paz, Bolivia, noong Abril 30, 2019. Daan-daang tao ang lumikas.

Wala namang namatay o nasaktang kapatid, pero iniulat ng sangay sa Bolivia na dalawang bahay ng mga kapatid natin ang nawasak ng landslide. Karagdagan pa, ang bahay ng 11 pamilyang Saksi sa lugar na iyon ay hindi naapektuhan o may kaunting pinsala lang.

Sa pangunguna ng tanggapang pansangay, ang Disaster Relief Committee, mga tagapangasiwa ng sirkito, at mga elder ay naglalaan ng espirituwal at praktikal na tulong. Nananatiling alerto ang mga kapatid sa apektadong mga lugar sa posibilidad na muling mag-landslide kung tuloy-tuloy ang pag-ulan.

Nagpapasalamat tayo na walang kapatid na nasaktan at nakakatanggap sila ng tulong na kailangan nila.—Galacia 6:10.