Pumunta sa nilalaman

Sinunog ng mga wildfire ang malaking bahagi ng dalawang probinsiya sa South Korea, na nag-iwan ng matinding pinsala

MARSO 15, 2022
SOUTH KOREA

Pininsala ng mga Wildfire ang Dalawang Probinsiya sa South Korea

Pininsala ng mga Wildfire ang Dalawang Probinsiya sa South Korea

Sinunog ng mga wildfire mula noong Marso 4, 2022 ang tinatayang 23,993 ektarya ng kagubatan, kaya libo-libong tao ang napilitang lumikas sa kanilang mga tahanan. Ang mga wildfire na ito ay nagdulot ng isa sa pinakamatinding pinsala sa kasaysayan ng South Korea.

Epekto sa mga Kapatid

  • 44 na mamamahayag ang inilikas

  • 1 bahay ang nasira

Relief Work

  • Ang naapektuhang mga kapatid ay pansamantalang tumuloy sa mga kamag-anak o iba pang Saksi sa mas ligtas na mga lugar

  • Bumuo ng Disaster Relief Committee para maglaan ng tulong

  • Sinunod ng lahat ng tumulong ang COVID-19 safety guidelines

Dalangin namin na pagpalain sana ni Jehova ang pagsisikap ng mga kapatid na naging tunay na mga kaibigan sa panahong ito ng problema.​—Kawikaan 17:17.