Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Philo

Philo

(mga 20-10 B.C.E.–mga 50 C.E.) Isang manunulat at pilosopong Judio na nanirahan sa Alejandria, sa Ehipto. Kilala siya bilang Philo ng Alejandria, pero tinatawag din siyang Philo Judaeus dahil isa siyang Judio.

Si Philo ay nagsasalita ng Griego, gaya ng maraming iba pang Judio na nakatira sa Ehipto noon. Ginamit niya ang bersiyong Septuagint ng Hebreong Kasulatan bilang basehan ng mga akdang nagawa niya sa pag-aaral ng Bibliya. Ang paggamit niya ng ilang terminong Griego na mababasa rin sa Kristiyanong Griegong Kasulatan ay nakakatulong para maunawaan ang kahulugan ng mga terminong ito, kaya ang mga akda niya ay mapapakinabangan din ng mga estudyante ng Bibliya.—Tingnan ang study note sa Mat 19:28.

Naniniwala si Philo na Judaismo ang tanging tunay na relihiyon, at sinikap niyang gawing katanggap-tanggap sa mga Gentil ang Judaismo para maakay sila sa Diyos. Pero pinaghalo niya ang Kasulatan at ang pilosopiyang Griego, gaya ng pilosopiya ni Plato. Ipinagtanggol ni Philo ang paniniwalang may Diyos. Pero sinabi niya ring ang Diyos ay “walang malinaw na mga katangian” at “hindi maiintindihan,” kaya ang Diyos ay hindi puwedeng tawagin sa isang personal na pangalan.

Ang mga isinulat ni Philo ay kasama sa mga nakaimpluwensiya sa maraming nag-aangking Kristiyano para maniwala sa di-makakasulatang turo na may imortal na kaluluwa. Bukod diyan, ang turo ni Philo tungkol sa Logos (o, Salita) ay isa sa mga dahilan kung bakit nabuo ang di-makakasulatang doktrina ng Trinidad.