Mga Awit 1:1-6

1  Maligaya ang taong hindi sumusunod sa payo ng masasamaAt hindi tumatayo sa daan ng mga makasalanan+At hindi umuupo sa upuan ng mga nangungutya.+   Sa halip, nalulugod siya sa kautusan ni Jehova,+At ang kautusan Niya ay binabasa niya nang pabulong* araw at gabi.+   Magiging gaya siya ng isang puno na nakatanim sa tabi ng daluyan ng tubig,Isang puno na namumunga sa panahon nito,Na ang mga dahon ay hindi nalalanta. At ang lahat ng ginagawa niya ay magtatagumpay.+   Ang masasama ay hindi ganiyan;Gaya sila ng ipa na tinatangay ng hangin.   Kaya ang masasama ay hindi mananatiling nakatayo kapag hinatulan sila;+At ang mga makasalanan ay hindi mananatiling nakatayo kasama ng nagkakatipong mga matuwid.+   Dahil alam ni Jehova ang daan ng mga matuwid,+Pero ang daan ng masasama ay maglalaho.+

Talababa

O “ay binubulay-bulay niya.”

Study Notes

Media