Mga Awit 16:1-11

Miktam* ni David. 16  Ingatan mo ako, O Diyos, dahil nanganganlong ako sa iyo.+   Sinabi ko kay Jehova: “Ikaw si Jehova; galing sa iyo ang lahat ng mabubuting bagay na mayroon ako.   At ang mga banal sa lupa,Ang mararangal, ay nagpapasaya sa akin.”+   Dumarami ang kirot ng mga naglilingkod sa ibang diyos.+ Hindi ako magbubuhos ng dugo bilang handog na inumin para sa kanila,At hindi ko babanggitin ang pangalan nila.+   Si Jehova ang aking bahagi+ at ang aking kopa.+ Iniingatan mo ang aking mana.   Magaganda ang mga lugar na sinukat mo at ibinigay sa akin. Kontento ako sa aking mana.+   Pupurihin ko si Jehova, na nagpapayo sa akin.+ Kahit sa gabi, itinutuwid ako ng kaloob-looban ng aking isip.*+   Laging nasa isip ko si Jehova.+ Dahil nasa kanan ko siya, hindi ako matitinag.*+   Kaya nagsasaya ang puso ko, at nagagalak ang buo kong pagkatao.* At panatag ako. 10  Dahil hindi mo ako* iiwan sa Libingan.*+ Ang tapat sa iyo ay hindi mo hahayaang mapunta sa hukay.*+ 11  Ipinaaalam mo sa akin ang daan ng buhay.+ Sa presensiya* mo ay may lubos na kagalakan;+May kaligayahan sa iyong kanang kamay magpakailanman.

Talababa

Tingnan sa Glosari.
O “ng kaibuturan ng aking damdamin.” Lit., “ng aking mga bato.”
O “susuray.”
Lit., “ang aking kaluwalhatian.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.
O posibleng “hahayaang mabulok.”
Lit., “mukha.”

Study Notes

Media