Job 12:1-25

12  At sumagot si Job:   “Kayo na ang matatalino,*At kapag namatay kayo, wala nang karunungan!   Pero may unawa* rin ako. Hindi ako nakabababa sa inyo. Sino ang hindi nakaaalam ng mga bagay na ito?   Naging katatawanan ako sa mga kasamahan ko,+Dahil tumatawag ako sa Diyos at naghihintay ng sagot.+ Isang katatawanan ang taong matuwid at walang kapintasan.   Binabale-wala* ng taong panatag ang kapahamakan;Iniisip niyang para lang iyon sa mga may paang sumusuray.*   Ang mga tolda ng mga magnanakaw ay payapa,+At ang mga gumagalit sa Diyos ay panatag,+Gaya ng mga taong hawak sa kanilang kamay ang diyos nila.   Pero pakisuyo, magtanong ka sa mga hayop, at tuturuan ka nila;Pati sa mga ibon sa langit, at sasabihin nila iyon sa iyo.   O bigyang-pansin* mo ang lupa, at tuturuan ka nito;At ipaaalam iyon sa iyo ng mga isda sa dagat.   Sino sa lahat ng ito ang hindi nakaaalamNa ang kamay ni Jehova ang gumawa nito? 10  Nasa kamay niya ang buhay ng bawat nabubuhay na bagayAt ang hininga* ng bawat tao.*+ 11  Hindi ba sinusubok ng tainga ang mga salitaKung paanong nilalasahan ng dila* ang pagkain?+ 12  Hindi ba taglay ng matatanda ang karunungan+At nagkakaroon ng unawa ang may mahabang buhay? 13  Marunong siya at malakas;+May layunin* siya at unawa.+ 14  Kapag may giniba siya, hindi na iyon maitatayo;+Kapag may isinara siya, hindi iyon mabubuksan ng sinuman. 15  Kapag pinigil niya ang tubig, lahat ay natutuyo;+Kapag pinakawalan niya ito, umaapaw ito sa buong lupa.+ 16  Malakas siya at may praktikal na karunungan;+Nasa kamay niya ang naliligaw at ang nanliligaw; 17  Pinaglalakad niya nang nakapaa ang* mga tagapayoAt pinagmumukhang baliw ang mga hukom.+ 18  Inaalisan niya ng awtoridad ang mga hari+At itinatali sa baywang nila ang sinturon ng alipin. 19  Pinaglalakad niya nang nakapaa ang mga saserdote+At pinatatalsik ang mga matagal nang namamahala;+ 20  Isinasara niya ang bibig ng pinagkakatiwalaang mga tagapayoAt inaalis ang karunungan ng matatandang lalaki; 21  Hinahamak niya ang mga prominente+At pinahihina ang* mga makapangyarihan; 22  Isinisiwalat niya ang malalalim na bagay mula sa dilim+At pinagliliwanag ang matinding kadiliman; 23  Pinalalakas niya ang mga bansa para puksain sila;Pinalalaki niya ang mga bansa para maipatapon sila. 24  Inaalis niya ang unawa* ng mga pinuno ng bayanAt pinagagala-gala sila sa tiwangwang na mga lugar na walang mga daanan.+ 25  Nangangapa sila sa dilim+ kung saan walang liwanag;Pinagagala-gala niya silang gaya ng lasing.+

Talababa

Lit., “Kayo ang bayan.”
Lit., “puso.”
O “Hinahamak.”
O “nadudulas.”
O posibleng “kausapin.”
Tingnan sa Glosari, “Ruach; Pneuma.”
Lit., “ng lahat ng laman ng tao.”
Lit., “ngalangala.”
Lit., “payo.”
O “Kinukuha niya ang lahat ng tinataglay ng.”
Lit., “At pinaluluwag ang sinturon ng.”
Lit., “puso.”

Study Notes

Media