Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

KUNG PAANO DADAIGIN ANG POOT

4 | Daigin ang Poot sa Tulong ng Diyos

4 | Daigin ang Poot sa Tulong ng Diyos

Turo ng Bibliya:

“Ang mga katangian na bunga ng espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiis, kabaitan, kabutihan, pananampalataya, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili.”GALACIA 5:22, 23.

Ang Ibig Sabihin:

Puwedeng madaig ang poot sa tulong ng Diyos. Matutulungan tayo ng kaniyang banal na espiritu na magkaroon ng magagandang ugali na wala sa atin. Imbes na sarilinin ang paglaban sa poot, tanggapin ang tulong ng Diyos. Kapag ginawa natin iyon, madarama natin ang nadama ni apostol Pablo. Isinulat niya: “May lakas akong harapin ang anumang bagay dahil sa kaniya na nagbibigay ng kapangyarihan sa akin.” (Filipos 4:13) Talagang masasabi natin: “Si Jehova ang tumutulong sa akin.”​—Awit 121:2.

Ang Puwede Mong Gawin:

“Binago ako ni Jehova mula sa isang marahas na tao tungo sa isa na mapagpayapa.”​—WALDO

Manalangin kay Jehova at hilingin ang banal na espiritu niya. (Lucas 11:13) Hilingin sa kaniya na tulungan kang magkaroon ng magagandang ugali. Pag-aralan ang Bibliya at alamin ang mga katangian na dadaig sa poot gaya ng pag-ibig, kapayapaan, pagtitiis, at pagpipigil sa sarili. Sikaping ipakita ang mga katangiang iyan. At makipagkaibigan sa mga taong nagpapakita rin ng ganiyang mga katangian. Matutulungan ka nilang “magpakita ng pag-ibig at gumawa ng mabuti.”​—Hebreo 10:24.