Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Paano Tayo Magkakaroon ng Magandang Kinabukasan?

Paano Tayo Magkakaroon ng Magandang Kinabukasan?

Gaya ng tinalakay sa mga naunang artikulo, marami ang nagtitiwala sa tadhana, edukasyon, pera, at nagsisikap na maging mabuting tao para magkaroon ng magandang kinabukasan. Pero para silang isang tao na gustong pumunta sa isang lugar, kaya lang, mali ang tinitingnang mapa. Ibig bang sabihin, walang maaasahang gabay para sa magandang kinabukasan? Mayroon!

GABAY MULA SA PINAKAMATALINONG PERSONA

Kapag gumagawa tayo ng desisyon, madalas na lumalapit tayo sa mas matanda at mas marunong kaysa sa atin. Para magkaroon tayo ng magandang kinabukasan, kailangan din nating magpagabay sa Isa na mas matanda at mas marunong kaysa sa atin. Ang mga payo niya ay makikita sa banal na mga kasulatan na sinimulang isulat mga 3,500 taon na ang nakakaraan. Ang banal na mga kasulatan na ito ay isang aklat na tinatawag na Bibliya.

Makakapagtiwala ka ba sa Bibliya? Oo, kasi ang Awtor nito ang pinakamatanda at pinakamatalinong Persona sa buong uniberso. Siya ang “Sinauna sa mga Araw” na “mula sa panahong walang pasimula hanggang sa panahong walang wakas.” (Daniel 7:9; Awit 90:2) Siya ang “Maylalang ng langit, ang tunay na Diyos, ang gumawa sa lupa.” (Isaias 45:18) Ipinakilala niya ang pangalan niya, Jehova.​—Awit 83:18.

Dahil ang Bibliya ay galing sa lumalang ng lahat ng tao, hindi lang ito para sa iisang lahi o kultura. Ang mga payo nito ay nakakatulong sa mga tao sa buong mundo at hindi naluluma. Available ito sa maraming wika at ito ang pinakamalawak na naipamahaging aklat. * Kaya mababasa ito at maiintindihan ng mga tao saanman sila nakatira at magagabayan sila nito. Pinapatunayan ng lahat ng ito ang sinasabi mismo ng Bibliya:

“Hindi nagtatangi ang Diyos, kundi tinatanggap niya ang tao na natatakot sa kaniya at gumagawa ng tama, saanmang bansa ito nagmula.”​—GAWA 10:34, 35.

Gaya ng isang mapagmahal na magulang na gustong gabayan ang kaniyang mga anak, gusto ng ating mapagmahal na Ama, ang Diyos na Jehova, na tulungan tayo gamit ang kaniyang Salita, ang Bibliya. (2 Timoteo 3:16) Makakapagtiwala tayo sa Salita niya kasi siya ang lumalang sa atin at alam niya kung ano ang pinakamabuti para sa atin.

Ano ang kailangan mong gawin para matanggap ang mga pangakong iyan ng Diyos sa hinaharap? Sasagutin iyan sa susunod na artikulo.

^ par. 6 Para sa mga impormasyon tungkol sa pagsasalin at pamamahagi ng Bibliya, magpunta sa www.mt711.com/tl at tingnan sa TURO NG BIBLIYA > ANG KASAYSAYAN AT ANG BIBLIYA.

^ par. 16 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang kabanata 9 ng aklat na Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao? na inilathala ng mga Saksi ni Jehova. Available ito sa www.mt711.com/tl. Tingnan sa LIBRARY > AKLAT AT BROSYUR.