Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Puwedeng Maging Masaya Kahit Magulo ang Mundo

Puwedeng Maging Masaya Kahit Magulo ang Mundo

Mas nahihirapan ka ba ngayon dahil sa mga nangyayari sa mundo? Alin sa mga ito ang nagiging problema sa lugar ninyo?

  • digmaan

  • epidemya

  • likas na sakuna

  • kahirapan

  • pagtatangi

  • krimen

Kapag may trahedya, nagugulat ang karamihan sa mga biktima at nawawalan ng pag-asa. Ang ilan naman ay natutulala na lang at parang wala nang pakiramdam. Pero lalong makakasamâ kung ganoon na lang lagi ang nararamdaman natin.

Sa panahon ng matinding problema, dapat mong protektahan ang mga mahal mo sa buhay, ang kalusugan ninyo, kabuhayan, at kaligayahan.

Ano ang puwede mong gawin ngayon para mabawasan man lang ang epekto sa iyo ng mga problemang pinagdadaanan natin?