Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Gaya ng Bata

Gaya ng Bata

I-download:

  1. 1. Si Jesus nagpayo

    Na dapat isapuso:

    ‘Maging katulad ng mga bata.

    Sa kanila ay matuto.’

    Ang bawat bata’y di-nagtatangi, tulad ng ating Diyos.

    (KORO)

    Lagi nating ipadama ang pag-ibig.

    At laging gawin ang natutuhan natin.

    Lagi nating isipin ang ating kapuwa.

    At maging maibiging gaya ng bata.

  2. 2. At kahit na mahirap,

    Tayo’y dapat na magsikap

    Na unawain ang mga tao.

    Umibig nang buong puso.

    Igalang natin at huwag hamakin ang sinumang tao.

    (KORO)

    Lagi nating ipadama ang pag-ibig.

    At laging gawin ang natutuhan natin.

    Lagi nating isipin ang ating kapuwa.

    At maging maibiging gaya ng bata.

    Gaya ng bata.

    (BRIDGE)

    Sa buhay natin,

    Gawing tunguhin

    Na ipakita

    Ang katangian

    Ng bawat bata,

    Dahil gusto ng Diyos

    ’Pag tayo ay nagpapakumbaba.

    (KORO)

    Lagi nating ipadama ang pag-ibig.

    At laging gawin ang natutuhan natin.

    Lagi nating isipin ang ating kapuwa.

    At maging maibiging gaya ng bata.

    Gaya ng bata.