Pumunta sa nilalaman

Bakit Nagbabahay-bahay ang mga Saksi ni Jehova?

Bakit Nagbabahay-bahay ang mga Saksi ni Jehova?

 Sinabi ni Jesus sa mga tagasunod niya na “gumawa ng mga alagad sa mga tao ng lahat ng mga bansa.” (Mateo 28:19, 20) Nang isugo ni Jesus ang kaniyang mga alagad, inutusan niya silang pumunta sa bahay ng mga tao. (Mateo 10:7, 11-13) Pagkamatay ni Jesus, nagpatuloy ang mga Kristiyano noong unang siglo sa pagpapalaganap ng mensahe “nang hayagan at sa bahay-bahay.” (Gawa 5:42; 20:20) Tinutularan namin ang halimbawa ng unang mga Kristiyano at nakita naming epektibo ang pagbabahay-bahay para maabot ang mga tao.